Noong 2017, isang maliit na pangkat ng mga namumuno sa komunidad ng Asian American and Pacific Islander (AAPI) [Asyanong Amerikano at Taga-islang Pasipiko] ang nagsama at nagtanim ng punla para sa ating AAPI Creative Placemaking Learning Circle. Sa mas malaking mga lugar ng pag-unlad ng komunidad, ang mga talakayan ay madalas na masaklaw at hindi natugunan kung paano ang mga diskarte ay dapat na nakahanay sa kultura at pinasadya para sa kultura ng ating kapitbahayan at mga residente.
Ang aming inaasahan ay lumikha ng isang lugar kung saan maaari nating pag-usapan ang natatanging konteksto ng aming gawain, at makahanap ng suporta sa isa’t isa bilang mga praktisyoner na may kulay. Ilang pag-uusap sa paglaon, at sa suporta mula sa National Endowment for the Arts Our Town Award sa 2019, ang Learning Circle ay opisyal na inilunsad. Ang Learning Circle ay lumago mula sa kaunting mga samahan hanggang halos 20 pag-unlad ng komunidad at mga organisasyon pang-sining na nakatuon sa patas na pag-unlad at pagpapanatili ng mga komunidad ng AAPI sa buong bansa.
Ang mga organisasyon sa pag-unlad ng komunidad ng AAPI tulad ng sa atin ay matagal nang nagsanay ng pagtingin sa ating komunidad sa pamamagitan ng mga yaman na pisikal at kultural bago pa man naging isang katawagan ang ‘creative placemaking’. Ang aming mga diskarte ay umaakit sa mga tradisyon ng sining at kultura bilang mga behikulo para sa paglinang ng pagkakaisa ng komunidad, tagapagtaguyod para sa pagbabago ng lipunan at mga patakaran, paghimok ng paglago ng ekonomiya, at paglutas ng mga hamon sa ating mga lugar ng AAPI. Naniniwala kami na ang ating mga kapitbahayan at ating mga ‘lugar’ ay nagtataglay ng kahalagahan sa panlipunan, ispiritwal, pangkultura, pampulitika, at pang-ekonomiya sa ating bansa.
Sa kurso ng aming gawain, ang ating mga organisasyon ay nakaranas ng mga makahulugang hamon – komodipikasyon ng kultura, dyentripikasyon, at pagpaalis – pati na rin ang natantong napakalaking pagkakataon – pasiglahin ang mga tradisyonal na kasanayan. Nag-aalok kami ng isang natatanging pananaw na nakasentro sa mga tauhan ng AAPI, ating mga kultura, ating mga kasaysayan, at pag-asa para sa ating mga susunod na henerasyon. Lumilikha kami ng isang pakiramdam ng pagiging kabilang1 sa aming mga komunidad na inagawan ng karapatan ng na-institusyong rasismo at kolonisasyon. Ang ating pangitain, mga kinahahalagahan, at kasanayan ay ibibigkas kung bakit at paano natin susuportahan at papalaguin ang ating mga komunidad na mapagsama at mapagpantay.
Itong online na lugar ay isang paraan lamang kung saan tayo ay magkakasama sa komunidad. Sinimulan nating sama-sama ang ating paglalakbay na matuto noong Oktubre 2019 sa Hilo, Hawai’i, kung saan nating ginalugad ang halimbawa ng katatagan ng kultura. Noong Marso 2020, muling nagtagpo ang ating Learning Circle sa Chinatown ng San Francisco upang pag-usapan ang pagpapapanatag ng kapitbahayan bilang tugon sa mga banta ng dyentripikasyon. Ang pangatlong pagpupulong ay nakaplano para sa Fall 2021 kung saan tayo matututo mula sa gawain ng pagpapaunlad ng ekonomiya na pinangunahan ng ating mga kasamahan sa Minneapolis/St. Paul, Minnesota.
Ang pagkakataon na matuto ng magkakasama ay walang hanggan. Kung interesado kayong sumali sa amin, o suportahan ang aming gawain bilang kakampi, mangyaring kontakin ang info@nationalcapacd,org.
Ang AAPI Creative Placemaking Learning Circle ay isang pagpapasimuno ng National Coalition for Asian Pacific American Community Development (CAPACD), na binuo sa pakikipagsosyo sa ating mga miyembro at pinondohan ng National Endowment for the Arts, NeighborWorks America, at The Kresge Foundation. In-kind na suporta ay ibinigay ng Local Initiatives Support Corporation, PolicyLink at ArtPlace America.