ATING KINAHAHALAGAHAN

Tayo ay mayroong responsibilidad sa isa’t isa.

Pinahahalagahan natin ang magalang na komunikasyon, sama-sama na pangangalaga at pagpapagaling.  Naniniwala tayo na ang responsibilidad na ito ay lumalampas sa mga henerasyon, na dapat natin ipangako ang ating sarili sa gawain na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga bata, mga pamilya at kinabukasan na maaaring hindi natin nakikita.  Nagtatayo tayo ng komunidad sa pamamagitan ng isang lente na multi-generational, at naglilinang ng mga bago at kinabukasang henerasyon ng mga pinuno.