<- back

Kapwa Gardens

Isang Lugar na Nagpapagaling para sa Komunidad

Kultivate Labs

San Francisco, CA

Kapwa: isang Pilipinong paniniwalang ispiritwal ng kaugnayan. Ang Kapwa ay isang pagkilala sa nakabahaging pagkakakilanlan, isang panloob na sarili, na ibinahagi sa iba. Ang Kapwa ay isang pagpapatuloy ng taimtim na empatiya.

Ang Kapwa Gardens ay isang lugar na nagpapagaling para sa komunidad na itinayo ng komunidad.  Sa medyo bagu-bagong Distrito ng Kulturang Pilipino ng San Francisco na kinikilalang SOMA Pilipinas, itong dating paradahan ay nabago ng dalawang beses mula noong 2019 ng Kultivate Labs. Sa tulong ng higit sa 220 na mga boluntaryo sa ngayon, ang Kapwa Gardens – nakatakdang magbukas sa Marso 2021 – ay magiging mas pangmatagalang lugar ng komunidad kaysa sa hinalinhan nito, ang 2-buwang pop-up na UNDSCRD Court mula sa 2019.

“Gusto naming makita ang mga boluntaryong Pilipino mula sa buong Bay Area! Nakakakuha kami ng mga boluntaryo ng lahat ng gulang, lalo na mga pamilya.  Napakagandang makita ang mga magulang na nagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng paglilingkod sa komunidad ngunit kung paano din palaguin at alagaan ang mga halaman sa ating hardin”

Joana Salem
Marketing Associate para sa Kapwa Gardens

Noong 2016, Ang SOMA Pilipinas ay itinayo ng Lupon ng mga Superbisor ng San Francisco County. Ang Kultivate Labs ay itinatag upang maisakatuparan ang pangitain para sa distritong pangkulturang ito, na kasama ang pag-uumpisa ng isang pop-up na kilala bilang UNDSCVRD (Undiscovered) Court. Itinayo ng mga 70 na boluntaryo noong Fall ng 2019, ang pop-up na ito ay may kasamang kalahating basketbol na korte, lugar para sa mga klase sa sayaw at paghihintuan ng food truck. Mabilis nitong ipinakita kung ano ang posible sa dating bakanteng paradahan na ito.

Ang tagumpay ng UNDSCVRD Court ay humantong sa Kultivate Labs na magantimpalaan ng pamamahala ng lugar na ari ng Lungsod para sa mas matagalang pansamantalang panahong gamit na proyekto bago maging permanenteng lugar para sa abot-kayang pabahay. Itong bagong lugar ay magiging Kapwa Gardens – isang lugar ng komunidad ng sining at kapakanan sa Mission Street sa pagitan ng 5th at 6th Street na susuportahan ang mental, pisikal at pang-ekonomiyang pagpapagaling ng mga residente nito.

Ang pangalan nito ay higit pang naangkop sa dahilan ng mga hamon na iniharap ng COVID-19.  Ang mga lokal na residente ay nangangailangan ng madaling mapuntahang kapaligirang maberde upang ligtas na makasama sa komunidad, at gumaling ng pisikal at mental nang higit pa kaysa dati.

“Ang Kapwa ay nangangahulugang pamilya at pagbalik sa aking pinagmulan. Ang pagboboluntaryo at pagbigay ng pabalik sa aking komunidad ay tunay na mahalaga para sa aking mga lolo’t lola, kaya’t ganoon na ako ay naririto kasama ng aking pamilya na nagboboluntaryo ay nagpapamalas sa akin ng pagmamalaki na nagagawa namin ito ng magkakasama.”

Abby D.
boluntaryo

“Ang ibig sabihin ng [Kapwa] ay komunidad. Ito ay ang kaugnayan sa pagitan natin, ating komunidad, ating mga ninuno, at ating kinabukasan. Hindi lamang ito ang ating pamilya, ito ang ating pinalawak na pamilya. Ito rin ay pagsisikap, paggawa ng isang bagay, pakikisali.”

Andre D.
boluntaryo

Ang konsepto ng proyekto ay isinaayos sa dahilan ng pandemya dahil napagtanto nila na kailangan nilang mas tuluyang matugunan ang kalusugan ng kaisipan ng mga lokal na residente ng SRO na nangangailangan na makatungo sa lugar na maberde habang nananatili sa isang lugar. Dinisensyo ito ngayon upang makapag-anyaya ng mga klase sa ehersisyo na magkakalayo ang mga kalahok na tiyakan ay para sa mga residente na 65+, gaya ng Zumba Yoga, at isang natatanging mural sa sahig na gagabay sa limitadong bilang ng mga bisita sa puwang na may 6 na piye sa distansiya habang sila ay nag-oorder ng pagkain, nag-eehersisyo, o nasisiyahan sa hardin at punong sitrus.

“Nakikita namin ito bilang isang lugar para sa pagpapagaling ng mga residente – sa mga tuntunin ng sakit sa kaisipan, pisikal na kapakanan, at pagbawi ng ekonomiya. Nais namin lumikha ng lugar ng pagpapagaling para sa komunidad na magtipon muli ng ligtas habang mayroon COVID-19. Ang isang kwartong apartment ay madalas na maraming pamilya na nakatira sa kanila. Ang pamumuhay sa masikip na tirahan ay maaaring magbigay ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan sa panahon ng kautusan ng pananatili sa bahay kapag walang gaanong lugar sa paligid.”

Desi Danganan
Ehekutibong Direktor,
Kultivate Labs

 

Mga Layunin

  • Lumikha ng kultural na bagay na may halaga para sa SOMA Pilipinas
  • Iugnay ang mga residente, mga estudyante, at mga nagtratrabaho sa lugar
  • Itaguyod ang mental at pisikal na kapakanan sa pamamagitan ng isang lugar na ligtas at nakakapagpagaling para sa komunidad na magtipon habang mayroong COVID-19.
  • Buhayin muli ang pag-unlad ng ekonomiya at pagbawi sa pamamagitan ng lugar para sa mga negosyo ng pagkain + magbukas muli ang mga praktisyoner ng kalusugan/kapakanan

Mga Leksyon

  • Natutunan natin ang kahalagahan ng magtatag ng mga ugnayan sa politika.  Prinotektado ng opisina ni Superbisor Matt Haney ang lugar – dalawang beses!
  • Kahit na, ang isang braso ng Lungsod ay maaaring tumulong sa iyo habang ang isa ay itinutulak ka ng pababa.
  • Ang lupain na pagmamay-ari ng publiko ay isang pagkakataon para sa pakikipagsosyo sa Lungsod at maaaring humantong sa pagpopondo na magagamit lamang para sa pagmamay-ari ng lungsod.
  • Patuloy na tumingin sa hinaharap. Magpatuloy na mag-ipon ng batayan at gamitin ang dating gawain na may pagtingin sa pag-unlad sa kinabukasan.